Star Cinema at The IdeaFirst Company nagpapasalamat sa mahigit P400M kita ng "And The Breadwinner Is" na palabas na rin sa ibang bansa

ni GLEN P. SIBONGA


TAOS-PUSONG nagpapasalamat ang Star Cinema at The IdeaFirst Company sa mga manonood matapos makapagtala ang “And The Breadwinner Is…,” na pinagbibidahan ni Vice Ganda, ng mahigit sa P400 milyon na kita sa takilya simula nang ipalabas ito noong Disyembre 25.

Ayon sa Facebook post ng Star Cinema, "Winner ang inyong pagmamahal at kabog ang inyong patuloy na suporta! ๐Ÿ™๐Ÿผ๐Ÿ’–

"Maraming salamat for the unkabogable love as 'And The Breadwinner Is' has already earned over P400 Million as of January 15, 2025. ๐Ÿ†๐Ÿ’–

"Yayain na ang buong pamilya at huwag magpahuli sa pinakakabog #MMFF50
entry—#AndTheBreadwinnerIs NOW SHOWING IN CINEMAS WORLDWIDE!"

Sa halos kaparehong post, ibinahagi rin ng IdeaFirst ang kanilang pasasalamat sa Facebook, "Winner ang inyong pagmamahal at kabog ang inyong patuloy na suporta! ๐Ÿ™๐Ÿผ๐Ÿ’–

"Maraming salamat for making 'And The Breadwinner Is' the number one movie during the 50th Metro Manila Film Festival, earning over P400 Million as of January 15, 2025. ๐Ÿ†๐Ÿ’–

"Yayain na ang buong pamilya at huwag magpahuli sa pinakakabog #MMFF50
entry—#AndTheBreadwinnerIs NOW SHOWING IN CINEMAS WORLDWIDE! ✈️๐Ÿ’–"

Maging ang direktor ng pelikula na si Jun Robles Lana ay nag-post ng kanyang nag-uumapaw na pasasalamat sa X (dating Twitter). "My heart is overflowing with gratitude! ๐Ÿ˜ญ✨ To everyone who watched and championed #AndTheBreadwinnerIs at the 2024 Metro Manila Film Festival, THANK YOU for being a shining light, especially amidst the noise and chaos. Your overwhelming support carried this film to #1, a clear reminder that we wouldn't be here without our amazing audience believing in this story! I believe this film resonated with so many because Bambi's story touched something deep within us. We saw ourselves, our struggles, and our hopes reflected in her journey. This victory is a testament to the power of connection and the unwavering spirit of those who dare to dream. Maraming, maraming salamat po!" ani Direk Jun.

Napapanood pa rin ang pelikula, na kabilang sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), sa iba’t ibang mga sinehan sa buong bansa at pati na rin abroad sa Malta, Italy, New Zealand, Australia, United States of America, Canada, Saipan, Guam, at Cambodia. 

Ang “And The Breadwinner Is…” ay kwentong pampamilya na tungkol sa kaliwa’t kanang sakripisyo na ginagawa ng isang breadwinner para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga mahal sa buhay. Ito ang nagsisilbing unang proyekto na magkasama sina Vice at Direk Jun.

Sa nagdaang 50th MMFF Gabi ng Parangal, nasungkit ng pelikula ang Gender Sensitivity Award, habang kinilala si Vice ng Special Jury Citation award para sa natatangi niyang pagganap sa isang karakter na labas sa kanyang comfort zone bilang isang artista. 

Bukod dito, inulan din ng mga magagandang review ang pelikula dahil naka-relate ang mga manonood sa nakakaantig nitong mensahe tampok ang mga pinagdadaanang pagsubok sa buhay ng pamilyang Pilipino. Mainit din itong tinanggap sa social media kung saan ibinahagi ng viewers kung paano sila parehong humagalpak sa tawanan at humagulgol habang nanonood. 

Mula sa Star Cinema at The IdeaFirst Company, kasama rin sa “And The Breadwinner Is…” sina Eugene Domingo, Malou De Guzman, Joel Torre, Jhong Hilario, Gladys Reyes, Maris Racal, Anthony Jennings, Kokoy De Santos, Lassy Marquez, MC Muah, Via Antonio, Kiko Matos, Argus Aspiras, at Kulot Caponpon.




Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies