Isko Moreno tumayong inducting officer sa oathtaking ng bagong halal na mga opisyales ng PMPC
ni GLEN P. SIBONGA
NANUMPA na sa tungkulin ang bagong halal na mga opisyales ng PMPC Star Awards, Inc. nitong Martes, Enero 28, sa Adriatico Arms Hotel sa J. Nakpil, Malate, Manila.
Tumayong inducting officer sa PMPC oathtaking ang dating alkalde ng Maynila at aktor sa pelikula at telebsiyon na si Francisco "Isko Moreno" Domagoso, na kilala rin sa tawag na Yorme.
Pinangungunahan ang 2025 PMPC officers and board members ng newly-elected President na si Mell Navarro.
Ang iba pang bagong opisyal ng PMPC na nanumpa sa tungkulin ay sina Fernan de Guzman, vice president; Jimi Escala, secretary; Mildred Bacud, asst. secretary; Boy Romero, treasurer; John Fontanilla, asst. treasurer; Rodel Fernando, auditor; Eric Borromeo at Blessie Cirera bilang mga PRO .
Nanumpa rin ang bagong Board of Directors na sina Roldan Castro, Evelyn Diao, Leony Garcia, Rommel Gonzales, Rommel Placente, at Francis Simeon.
Nagbigay ng pananalita at pagbati si Yorme sa mga nahalal na bagong opisyal ng PMPC, kasabay ng pangako niyang pagsuporta sa mga adhikain ng samahan.
Gayundin, iginiit ni Moreno ang hangarin niyang matulungan ang PMPC sa pagsasagawa nito ng Star Awards for Movies, Music at Television.
Kaya nga binanggit niya na nakahanda siyang gawing sentro ng mga awards night ang Metropolitan Theater sa lungsod ng Maynila, sakaling makabalik siya sa kanyang tungkulin sa siyudad, kasama ang bise alkalde niyang si Chie Atienza, na present din sa oathtaking.
Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnista, bloggers, TV and radio hosts), mula nung itinatag ang organisasyon noong 1960’s.
Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Mell Navarro, sisikapin niya kasama ang mga opisyales at miyembro ng PMPC na pag-ibayuhin pa ang antas ng lokal na pamamayahag ng industriya ng entertainment, para sa kapakinabangan ng lahat, lalo na para sa maayos na samahan at kapakanan ng buong PMPC.
Comments
Post a Comment