Uninvited: Hindi nakakahiyang mang-imbita nang makakasamang manood; Ron Angeles malaking opportunity na makatrabaho sina Vilma, Nadine, at Aga

ni GLEN P. SIBONGA


NAPANOOD ko na ang Metro Manila Film Festival 2024 entry na "Uninvited" na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Nadine Lustre at Aga Muhlach noong unang araw ng showing nito, December 25, sa Gateway Mall Cinema 3. Ang hatol ko ay maganda ang pelikula kaya hindi ka mahihiyang mang-imbita nang makakasamang manood nito.

Nagpamalas din ng kahusayan sa pag-arte sina Ate Vi, Nadine, at Aga sa kanilang roles na aminado silang tatlo na first time nilang gampanan. Nakaka-shock ang mga kaganapan sa confrontation nilang tatlo sa climax ng pelikula. Somehow expected ko na yung naging desisyon ni Nadine na gagawin niya kay Aga, pero ang ikinagulat namin ay ang sunod na ginawa ni Ate Vi kay Aga. Big scene at big highlight ito ng pelikula na dapat abangan ng mga hindi pa nakakapanood.

Bumilib din ako kay Ron Angeles, na mas malaki na ang role rito sa "Uninvited" kumpara sa una niyang paglabas sa "Mallari" noong MMFF 2023. Ang dalawang pelikula ay parehong prinodyus ng Mentorque Productions na pinamumunuan ni Bryan Dy, na tumatayong manager ni Ron.

Present sina Bryan at Ron sa pinanooran naming sinehan kaya sinamantala ko na rin na ma-interview sila.

Natanong nga namin si Ron kung ano ang nararamdaman niya ngayong palabas na ang "Uninvited?"

"Noong una po siyempre kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung tatanggapin ng mga tao yung pagganap ko sa character ko. Pero after po ng premiere night at ngayon ipinapalabas na po ito, magaganda naman po yung mga narinig ko and positive feedbacks. So, sobrang thankful ko po sa magagandang comments and mas lalo po akong nabu-boost na mas lalo pang galingan sa susunod," sabi ni Ron, na gumaganap na boyfriend ni Nadine sa movie.

Malaking opportunity rin para kay Ron na makatrabaho sina Ate Vi, Nadine, at Aga. "Siyempre po malaking karangalan talaga na makasama ko ang tatlo sa hinahangaan kong mga artista. Marami po akong natutunan sa kanila na magagamit ko po sa mga susunod ko pang proyekto," ani Ron.

Natutuwa naman ang producer na si Sir Bryan dahil panibagong tagumpay ulit ito para sa Mentorque Productions, lalo na nga't patuloy na dumadagsa at dumarami ang mga nanonood sa "Uninvited." Lalo pang  nai-inspire si Sir Bryan na gumawa ng mas maraming quality films at patuloy siyang magpapasok ng entries sa MMFF.

Directed by Dan Villegas, ang "Uninvited" ay palabas na sa mga sinehan nationwide bilang isa sa sampung official entries ng MMFF 2024.






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies