Mga sikreto sa pag-ibig, usaping sex, at magandang kapalaran hatid ng Radyo 630 kasama sina Coach V, Doc Lulu, at Stargazer

ni GLEN P. SIBONGA


ALAMIN kung paano mapanatili ang mainit na pag-iibigan ng mga magkarelasyon kasama na ang usaping sex pati na ang susi sa magandang kapalaran sa buhay sa mga bagong programa ng Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo kasama ang love experts na sina "Coach V" Vanessa Antonio at Doc Lulu Marquez, pati life coach/psychic na si Stargazer

Makabuluhang usapan sa pag-ibig ang handog ng dating expert at matchmaker na si Coach V sa programang "Love Konek" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 PM.


Bilang pasilip sa kanyang programa gabi-gabi, namahagi si Coach V ng kanyang love advice para mapanatili ang matamis na pag-iibigan ng mga magkasintahan at mag-asawa. 

Aniya, "Kung gusto niyong mapanatili ang pagmamahalan niyong mag-partner, ugaliing mag-hug at kiss sa inyong partner araw-araw. Dapat ang yakap ay tumatagal ng 20 segundo habang ang halik naman ay six seconds."


Sa usaping sex naman, nariyan ang "Private Talks" ni Doc Lulu kasama ang radio anchor na si Imee Estareja tuwing Linggo ng hatinggabi.


Ikinagalak ni Doc Lulu ang pagbabalik ng kanyang programa sa radyo na layong magbigay ng wastong kaalaman patungkol sa sex at safe practices nito, pati makatulong na mas maging kumportable ang mga listener sa mga ganitong usapin.

"Pinapahalagahan nito ang wastong sex education sa mga Pilipino para mas maunawaan nila ang kanilang sexualidad, pangangailangan, at responsibilidad bilang partner para maging mas happy sa life," ika niya.


Samantala, nasa radyo rin muli ang respetadong psychic na si Stargazer para magbigay gabay patungkol sa ating kapalaran sa kanyang programang "Feel Kita" tuwing Sabado, 8 PM.


Ayon kay Stargazer, "Maliban sa mga horoscope at kwentong kababalaghan, nais iparating ng programa na maipaunawa ang ating inner psyche at mga paranormal force na magsisilbing gabay patungo sa ating mental at spiritual wellness. Masaya ako na muling makapagbigay ng life coaching tips sa mga taga-pakinig ng Radyo 630."

Bukod sa AM radio sa 630 kHz frequency, mapapanood din ang mga programang ito sa Teleradyo Serbisyo na available sa free at cable TV, pati online sa official  Facebook at YouTube pages nito. May livestream din ang Teleradyo Serbisyo sa iWantTFC.


Tuloy-tuloy rin ang pagbabalita at serbisyo publiko sa mga progama nitong "Radyo 630 Balita" ni Robert Mano, "Gising Pilipinas" at "Teleradyo Serbisyo Balita" nina Alvin Elchico at Doris Bigornia, "Kabayan" ni Noli de Castro, "Balitapatan" kasama sina Peter Musngi at Rica Lazo, "Tatak: Serbisyo" kasama si Winnie Cordero, "Headline Ngayon" ni Jonathan Magistrado, at iba pa.


Para sa iba pang maiinit na balita at public service announcements, i-follow ang Radyo 630 sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.


Para naman sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @ABSCBNPR sa sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom






Comments

Popular posts from this blog

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music

Beautederm CEO Rhea Tan at Blackman family nag-click sa unang pagtatagpo

Nora, Vilma, Sharon, Maricel magsasabong sa 40th Star Awards for Movies