Posts

Showing posts from October, 2024

OPM Icons at hitmakers sanib-pwersa sa 16th Star Awards for Music; SB19 humakot ng awards

Image
ni GLEN P. SIBONGA SANIB-PWERSA  ang OPM Icons at hitmakers sa matagumpay na concert-style awards night ng 16th Star Awards for Music ng PMPC na ginanap nitong October 27 sa Carlos P. Romulo Auditorium RCBC Plaza sa Makati City. Pinangunahan iyan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na nagpasabog ng enerhiya sa paghataw niya sa kanyang mga sikat na dance hits sa loob ng 40 years ng kanyang career. Madamdamin din ang Gabi ng Parangal kay Gary sa pagtanggap niya ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award para sa kanyang malaking kontribusyon sa music industry. Ayon kay Gary, espesyal ang award na ito na nakapangalan pa sa Asia's Queen of Songs, na kabilang sa mga unang nagbigay ng oportunidad sa kanya sa industriya. Bago ang pagpaparangal kay Gary ay binigyan muna siya ng tribute ng kaibigan niyang si Ice Seguerra na inawit ang classic hit na Sana Maulit Muli. Mahigpit na nagyakap ang dalawa sa pag-akyat ni Gary sa entablado. Idagdag pa riyan ang nakuhang award nina Gary at Gloc-9

Vice Ganda proud sa And The Breadwinner Is - Ipinagpapasalamat kong nakagawa ako ng ganitong obra!

Image
ni GLEN P. SIBONGA INIHAYAG ni Vice Ganda ang kanyang reaksyon at saloobin sa paglabas ng teaser ng pinagbibidahan niyang pelikulang " And The Breawinner Is ," na official entry ng Star Cinema at The IdeaFirst Company sa Metro Manila Film Festival 2024. Sa ilalim ito ng direksyon ng award-winning director na si Jun Robles Lana . Ayon kay Vice sa kanyang post sa X, "Nanginig ako literal nung nakita ko tong teaser. Di ko na maantay na mapanuod nyo ito ng buo sa sinehan.  Ipinagpapasalamat kong nakagawa ako ng ganitong obra." Kasunod nito ang series of posts ni Vice sa X bilang tugon sa mga papuring natanggap niya sa social media mula sa iba't ibang netizens base sa lumabas na teaser. @heyrow : "Super proud of the team behind this film. Already watched the first cut and hindi ako matatakot sabihin: I feel like this will be a very important film in Vice Ganda’s career. Huhuhuhu 😭❤️" VICE: "Salamat!!! Iba ang Direk Jun Lana! Mapalad ako na nakatrab

Vice Ganda nagpasalamat sa SB19 sa Magpasikat; Mahalima hindi nagpabayad

Image
ni GLEN P. SIBONGA LABIS ang pasasalamat ni Vice Ganda  sa malaking kontribusyon at partisipasyon ng Kings of PPop, ang SB19 , sa kanilang Magpasikat production number sa It's Showtime para sa grupo ng Unkabogable Star kasama sina Karylle at Ryan Bang . Nakasama ni Vice ang SB19 sa pagkanta ng original song ng grupo na ginamit sa production number. Ayon kay Vice, very cooperative ang SB19 na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken (Felip), at Justin. Sumama pa ang Mahalima sa brainstorming at inalok ang kanilang original song para magamit sa production number. Ni-relyrics pa nila ang kanta para sumuwak sa presentation. Pinuri rin ni Vice ang SB19 dahil aniya, "Hindi po sila nagpabayad. Ayaw nilang tumanggap ng bayad. Kaya maraming salamat talaga, SB19!" Nagkataon pang co-endorsers ng fastfood chain na McDonald's si Vice at ang SB19.

SB19, Donny, Belle, Kim Chiu, Maymay, Vice Ganda, Ben&Ben, Gloc-9, Gary V wagi sa 16th Star Awards for Music

Image
ni GLEN P. SIBONGA PATOK na OPM hitmakers ang agad na bumandera sa partial list of winners sa 16th Star Awards for Music ng PMPC na gaganapin sa October 27, 6PM, sa Carlos P. Romulo Auditorium RCBC Plaza, Makati City. Kabilang na riyan ang tinaguriang Kings of PPop, ang SB19 na ang hit song na "Gento" ay nanalong Dance Recording of the Year. Nagwagi naman ang Ben&Ben ng Music Video of the Year para sa revival song nilang "The Way You Look At Me," na ang music video ay idinirehe ni Blasgil Tanquilut. Ang original singer ng naturang awitin na si Christian Bautista ay may special appearance sa music video na tampok sina Barbie Forteza at David Licauco. Panalo ng Collaboration of the Year ang pagsasama nina Gary Valenciano at Gloc-9 sa kantang "Walang Pumapalakpak." Nasungkit din ni Gloc-9 ang Rap Album of the Year para sa kanyang album na "Pilak." Sigurado namang masayang-masaya ang DonBelle fans dahil nagwagi ang kanilang mga idolo sa magk

Vice Ganda champions advocacy of Angkasangga Partylist for gig workers' rights and recognition

Image
by GLEN P. SIBONGA IN a remarkable move of solidarity and support for the rights and recognition of gig and informal workers in the Philippines, Vice Ganda , the nation’s phenomenally beloved superstar, has officially endorsed Angkasangga Partylist . This was formally announced last October 5, when Vice Ganda stood side by side with her long-time friend and the CEO of Angkas, George Royeca , who has recently decided to take his advocacy to the political arena. Angkasangga Partylist, under the leadership of George Royeca, is setting the stage for a historical campaign aimed directly at elevating the lives and securing the future of the informal sector in the Philippines, which predominantly includes gig workers involved in various industries, notably the entertainment sector. The partylist is pioneering an initiative to bring to light the often overlooked and undervalued contributions of informal workers to the national economy. Through Vice Ganda's endorsement, Angkasangga Partyli

Rhea Tan ipinakilala sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Sofia Pablo, Shaira Diaz bilang endorsers ng Belle Dolls

Image
ni GLEN P. SIBONGA BONGGA ang naging launching ng Belle Dolls, ang bagong beauty and wellness brand sa ilalim ng Beautederm Corporation na pinamamahalaan ni Rhea Anicoche Tan . Kasabay ng Belle Dolls launch na ginanap sa Novotel Manila nitong October 16, ipinakilala rin ni Ms. Rhea ang celebrity ambassadors ng bagong brand na kinabibilangan ng Kapuso stars na sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Sofia Pablo, at Shaira Diaz . Kitang-kita ang sigla at glow ni Ms. Rhea sa nasabing launch. Pahayag nga niya sa event, “The essence of our brand is the transformative experience that we provide to our consumers. Belle Dolls is a revolutionary brand for men and women everywhere." Pagpapatuloy pa ng Belle Dolls owner, "When choosing an endorser, attitude matters. Ysabel, Miguel, Sofia, and Shaira exude sincerity and grace. I admire their growth and I love their youthful energy. “They know what they're advocating for: a healthy lifestyle supported by healthy products. We should p

Ogie Diaz mas pasasayahin ang TV5 afternoons sa bagong quiz talk show na "Quizmosa"

Image
ni GLEN P. SIBONGA BONGGA naman ng OG chismaster ng industriya at pinagkakatiwalaang source ng juiciest celebrity gossips na si Ogie Diaz dahil sa hatid niyang kasiyahan, intriga, at dagdag kaalaman sa iho-host niyang bagong TV5 variety show na " Quizmosa ," ang “chismis with a quiz." Simula October 21, mas pasasayahin ng Quizmosa ang Hapon Champion block ng TV5. Hatid nito ang iba’t ibang celebrity news trivia challenges na swak na swak sa mga certified marites na gustong maki-chika at maki-quiz! Ayon nga kay Ogie nang makapanayam namin siya sa presscon ng naturang show, "Itong 'Quizmosa' syempre naiiba ito. May mga games ito na nakikita natin sa iba, pero ito with a twist, ika nga. Para itong talk show at quiz show, pinag-isa namin. From all walks of life yung magiging contestants namin. Syempre meron ding celebrities at personalities. "Yung iba baka nag-aalala na, 'Ay, hindi naman kami gaanong updated sa showbiz.' Hindi lang naman kasi ito t

Mga sikreto sa pag-ibig, usaping sex, at magandang kapalaran hatid ng Radyo 630 kasama sina Coach V, Doc Lulu, at Stargazer

Image
ni GLEN P. SIBONGA ALAMIN kung paano mapanatili ang mainit na pag-iibigan ng mga magkarelasyon kasama na ang usaping sex pati na ang susi sa magandang kapalaran sa buhay sa mga bagong programa ng Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo kasama ang love experts na sina "Coach V" Vanessa Antonio at Doc Lulu Marquez , pati life coach/psychic na si Stargazer .  Makabuluhang usapan sa pag-ibig ang handog ng dating expert at matchmaker na si Coach V sa programang "Love Konek" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 PM. Bilang pasilip sa kanyang programa gabi-gabi, namahagi si Coach V ng kanyang love advice para mapanatili ang matamis na pag-iibigan ng mga magkasintahan at mag-asawa.  Aniya, "Kung gusto niyong mapanatili ang pagmamahalan niyong mag-partner, ugaliing mag-hug at kiss sa inyong partner araw-araw. Dapat ang yakap ay tumatagal ng 20 segundo habang ang halik naman ay six seconds." Sa usaping sex naman, nariyan ang "Private Talks" ni Doc Lulu kasama ang

PH’s first and biggest Health and Wellness Festival for Teachers by Gabay Guro and mWell a big success

Image
by GLEN P. SIBONGA IN celebration of its 17th anniversary, Gabay Guro held the country’s first Health and Wellness Festival for Teachers, at the same time launched its new program pillar with mWell last October 6 at the Ynares Sports Arena in Pasig City. The successful festival was led by Chaye Cabal-Revilla - Gabay Guro Chairperson, mWell President and CEO, and MPIC Executive Vice President, Chief Finance Officer, Chief Risk and Sustainability Officer. According to Ms. Chaye in her opening remarks, "This is a continuation of our celebration which started last week. This is our 17th year in Gabay Guro and again we want to give tribute and appreciation to our teachers for their effort in furthering the education in our country. "Ngayon po dinagdagan natin ang ating pillars - may seven tayo ngayon - ng pangwalo, eto ang health and wellness. Bakit? Kasi tayong mga guro kailangan healthy and well para naman makapasok kayo araw-araw dahil kayo ang magtataguyod ng pagbibigay k